Humanap ng Iba
Tama at maliโ dalawang magkaibang salita,
Heto na naman at napaisip ulit siya.
Ang karangyaan ng mundo'y tila bang nakakabulag
Na gagawin kang alipin, sunud-sunuran, isang bihag.
Kailanma'y di niya naalintana, ang mundo'y mapaglaro.
Yayayain kang sumabay sa agos ng pagbabago,
O di kaya'y hahamunin kang gayahin ang mga uso.
Umamin naman siya: paminsan sa buhay ay di siya nakuntento.
Yun ay totoo, sanlibuta'y kanyang sinamba
ang tao ay ang kanyang naging gabay at impluwensya.
Hindi nagtagal, siya'y nalungkot nang lubusan:
wala palang saysay kung temporaryong bagay ang kapitan.
Ewan ba't sa kalagitnaan ng kanyang paglalakbay
Huminto na lamang siya't napaluhod sa tagumpay.
Muli siya'y humangad, sabay sabing, "wala kang katulad."
Yaman ng mundo'y dahil sa diyos tayo'y mapalad.

Tunay na saya ang kanyang nadarama
Rehas ng kahapon, sa wakas pumiglas siya.
Unti-unting binitawan ang maling sinasandalan
Ehemplo ng tunay na inspirasyon ay kanyang tinularan.
Luho ng mundo'y sa kanya'y di na nakakaantig
Oras nang gumising upang baguhin ang daigdig.
Roong taong tinuring niyang minamahal na banal
Diyos na ngayon ang sa puso niyang sa kanya isinugal.